Ang aking repleksyon:
Sa sakramento ng kasal ay mayroong sumpaan
ang babae at lalaki na tulad nito: Sa hirap at ginhawa, sa hirap at dusa, sa
pagkakasakit at kalusugan ay ang kamatayan lamang ang
makapag hihiwalay sa atin. Palaging mayroong grasya mula sa Diyos pag tayo ay
tapat sa sumpaan ng kasal: Katulad ng kapayapaan sa pamilya, magandang
pag-uugali at pagiging matagumpay ng mga anak, pag kakaroon ng konting problema
at marami pang ibang mga biyayang bigay ng Diyos. Ang mga biyayang ito ay
regalo ng Diyos sa mga mag-asawa na tapat sa bawat isa.
Sa ating ebanghelyo ay gusto ng mga
kamag-anak nila Elisabet at Zacarias na isunod ang pangalan ng sangol sa
kanyang ama dahil ito ang tradisyon nila. Ngunit sinabi ni Elisabet, Juan ang dapat ipapangalan sa kanya." Sinenyasan nila ang kanyang
ama upang itanong kung ano ang ibig nitong itawag sa sanggol. Humingi si
Zacarias na noon ay isang pipi ng masusulatan at ganito ang kanyang isinulat,
"Juan ang pangalan niya."
Bakit Juan? Dahil ito ang pangalang gusto ng
Diyos para sa kanya (Lucas 1:13), alam ng Diyos kung gaano kabuti at kamasunurin ang mag asawang Zacarias at Elisabet. Kaya sila ay biniyayaan niya ng anak
kahit na sila ay parehong matanda na. At ang sangol na ito na ang pangalan ay
Juan ay gumanap ng isang napaka importanteng papel sa buhay ni Hesus. At dahil din
sa pagsunod ni Zacarias sa kagustuhan ng Diyos siya ay pinagaling at nakapag
salitang muli.
Dapat sa lahat ng oras tayo ay palaging tapat
at masunurin sa Diyos, dapat ay hindi tayo nagpapa tukso sa mga temptasyon
gaano man ito kalaki o kaliit. Dahil sa ating katapatan lamang tayo mas
makakatangap ng mga biyaya mula sa Diyos.
Palagi ba nating sinusunod ang kagustuhan ng
Diyos para sa atin?
No comments:
Post a Comment